Abante Tonite Interactive

Mariel buntis ulit kay Robin

683

Matapos ang announcement ni Mariel Rodriguez kahapon sa “It’s Showtime” that she’s 3 months pregnant with baby number 2 nila ng asawang si Robin Padilla, nag-post ito sa kanyang Instagram account ng larawan sho-wing her baby bump.

Caption niya, “The perfect Mother’s Day gift (heart with ribbon emoji) hello baby #2.”

Abante Hiring – IT dep

Sa comments section ay nagsipag-congratu-late ang followers niya at mga kapwa-artista tulad nina Vina Morales, Alex Gonzaga, Ara Mina at maging si Kris Aquino.

“Omg- what a blessing! I’ll be praying for a healthy pregnancy for you,” komento ni Kris at sinagot naman ito ni Mariel ng thank you so much ate kris (heart emoji) yay!!!!!”

May mga nagkomento naman na naghihinala na nga raw silang buntis si Mariel dahil medyo malaki ang tiyan nito lately.

Sa “It’s Showtime” ay naging emosyonal ang TV host habang ibinabahagi ang magandang balitang ito.

“Today, I am so happy to share with all of you, isang espesyal na balita na nalaman namin ng asawa ko a few months ago.

“Si Isabella po ay magiging ate na. I am three months pregnant with baby No. 2. And ngayon pa lang, gusto po talaga magpasalamat sa inyong lahat dahil alam ko kasama ko po kayong lahat magdadasal, magmamahal, at susuporta. Maraming-maraming salamat po,” ang pag-aanunsyo ni Mariel.

***

Lorna, Marian, Sylvia walang kumpetisyon

Kahapon ay opisyal na ipinakilala na si Lorna Tolentino sa entertainment press bilang pinakabagong Ambassador ng Beautederm na pag-aari ni Rhea Anicoche Tan and very deserving naman talaga ang aktres na maging endorser ng nasabing beauty brand dahil sa paglipas ng mga taon, siya talaga ang isa sa mga female stars natin na hindi talaga kumukupas ang ganda.

Ayon kay LT, nang sinabi sa kanya ng manager niyang si Lolit Solis ang offer ng Beautederm, alam na niya agad ang produkto dahil matagal na raw niya itong ginagamit.

“Kaya nang talagang sinabi niya na may offer si Miss Rhea, sabi ko, talagang okay na okay sa akin dahil ginagamit ko talaga.

“Madalas din akong padalhan (ni Rhea ng produkto). Kaya naman magagamit mo, dahil hindi naman siya nagkakait na magbigay. Na ‘you try it, you try the product.’ So, ako naman, I tried it, and I like it and I really love it pa kung tutuusin.

“So, mas madali mong ma-endorse ang isang bagay kung naniniwala ka sa produkto,” sabi ni LT.

At dahil nga naggagandahan ang mga endorsers ng Beautederm tulad nga nina LT, Sylvia Sanchez, Marian Rivera at iba pa, natanong si Miss Rhea kung may kumpetisyon ba ang kanyang mga endorsers.

“Walang kumpetisyon kasi lahat sila ay magaganda. Si Marian ay sa Home (product) po siya, tapos, si ate Sylvia naman ay nasa age bracket.

Magkakaiba po sila. I make sure na magkakaiba po sila (ng ine-endorse) kaya walang kumpetisyon.

“At habang dumarami sila ay lalo po tayong lumalaki at lalong mas masaya ang ating pamilya. The more, the merrier,” sabi ni Miss Rhea.

Ayon naman kay LT, mas masaya talaga kapag marami aside from the fact na nabibigyan ng opportunity ang iba.

“I’m sure, happy rin ang the rest of the family na napasama ako ngayon,” pahayag ni Lorna.