Abante Tonite Interactive

Mariel damay sa giyera nina Robin, BB

0 1,171

NI: ROLDAN CASTRO

Tumitindi ang giyera ng magkapatid na Robin Padilla at BB Gandanghari.

Hindi na maawat si BB sa pagputak kahit sinabihan na siya ni Binoe na tumigil na sa pagtatampo dahil maraming pinagdaanan ang kanilang pamilya.

Dinamdam pala ni BB ang pagkakalat ni Robin na isa siyang Uber driver sa USA nu’ng panahong nagi-struggle siya.

Iginiit pa ng aktres na hindi umano siya sinuportahan emotionally.

Nagmarka rin sa kanya ang sinabi umano ni Robin nu’ng 50th birthday niya na “Si BB…. ah, huwag muna nating pag-usapan ‘yun.”

Sinopla rin niya ang asawa ni Binoe na si Mariel Rodriguez. Sinita niya ito na na ‘wag siyang daanin sa pa-live –live.

Tonite – Wendys Inhouse Ad