Abante Tonite Interactive

Mariel excited sa bagong baby ni Aljur

526

Nagsilang na ang misis ni Aljur Abrenica na si Kylie Padilla. Ito ang second baby nila na pinangalanang Axl Romeo Abrenica.

Ipinost ni Kylie ang magandang balita sa kanyang Instagram.

Caption niya sa larawan, “Axl Romeo Abrenica came into our lives. He is loved, he is cherished and he has one strong suck just like his Kuya.”

Excited naman si Mariel Padilla na makita ang baby ni Kylie. Komento niya sa larawan, “Congratulations, cannot wait to meet youuuuuu Axl Romeo.”

Inulan din ng pagbati mula sa mga netizen.

Ang panganay nilang anak ay si Alas Joaquin na isinilang noong August 2017. (Rona Ronda)