Abante Tonite Interactive

Mariel gustong litsonin ng kampo ni Catriona

By
3,689

PINUPUTAKTI na naman ng mga basher ang Bini­bining Pilipinas International 2017 na si Mariel de Leon dahil sinabihang scripted ang pagsagot ng dating Miss World Philippines at #Binibini20 na si Catriona Gray.

“I love your confidence but sometimes it looks like scripted,” sambit ni Mariel sa voice diction/Q&A skills sa ipinalabas na Binibining Pilipinas 2018 Primer sa ABS-CBN 2.

Ang mga supporter ni Catriona ay imbudo at gusto nilang litsonin ang beauty queen- actress.

Constructive criticism naman ang sinabi ni Mariel pero hindi matanggap ng ilang tagahanga ni Catriona.

Talbog!

Kilalanin ang 2018 Star Magic Circle

KUNG may umaalis na talents ng Star Magic gaya nina Xian Lim, Jason Abalos, Marco Gumabao, Matt Evans, Kyline Alcantara triple naman ang dumarating na kapalit nila.

Nu’ng Linggo ipinakilala ang bagong batch ng 2018 Star Magic Circle. 13 silang lahat na pasisikatin.

Nandiyan sina DONNY­­ PANGILINAN, 20, kilala sa mula sa angkan ng mga Pangilinan, si Donny ay ang panganay na anak ng dating aktres na si Maricel Laxa at motivational speaker na si Anthony Pangilinan. Dahil its run in the family, naging VJ host na agad si Donny at naging isa sa mga in-demand showbiz royalty.

Bukod sa hosting, pinasok na rin niya ang pagkanta at nakagawa ng two singles na ‘Did You’ at ‘Different kind of Love’. Sumalang na rin sa akting si Donny dahil kabilang siya sa movie na Walwal at Playhouse.

ZONIA MEJIA, 16, unang nakilala bilang ‘Blossoming Beauty ng Quezon City’ ng Pinoy Big Brother 737.Naging bahagi ng ilang ABS-CBN shows tulad ng Luv U at The Promise of Forever.

YASMYNE SUAREZ, 20, bukod sa Star Magic Workshops ay tinapos rin niya ang kanyang pag-aaral sa Ivy League School of New York. Matapos ang kurso. flick Spirit of the Glass 2. HENZ VILLARAIZ, 18, produkto ng Pinoy Boyband Superstar si Henz Villaraiz noong isang taon. Kabilang si Henz sa daytime soap na Sana Dalawa Ang Puso Ko. DANIELA STRANNER, 15, Filipino-German na mula sa Pampanga.

PATTY MENDOZA, 20. Bago pa man maging Star Magic artist, commercial model na siya at na-discover sa UST. LEILA ALCASID, 20, anak nina Ogie Alcasid at Michelle Van Eimeren. Nagkaroon na siya ng unang single na Completely In Love with You.

ANNA LUNA, 22, Ilan sa mga nagawa niyang mga proyekto ay Paglipay at Maestra kung saan umani siya ng Best Actress award mula sa Five Continents International Film Festival sa Venezuela. mga Star Isa ri sa pinag-usapang performance niya ay ang role sa Changing Partners na siyang nagbigay daan sa kanya para mapansin Mr. M.

TONY LABRUSCA, 22, maliban sa Pinoy Boyband Superstar, kilala bilang lobo at Jake sa primetime soap na La Luna Sangre. Naging paborito rin siyang commercial ad model sa isang fast food chain. Nagka-debut single na rin siya entitled “Tanging Ikaw,” na ni-launch last year.

Nandiyan din sina CHANTAL VIDELA, KARL GABRIEL, MARKUS PATERSON, CHARLIE DIZON­. Sino kaya ang sisikat sa kanila at susunod sa yapak nina John Lloyd Cruz, Piolo Pascual, Bea Alonzo, Daniel Padilla at Kathryn Bernardo?