Abante Tonite Interactive

Mariel hirap sa pagbubuntis

453

Sa kanyang Insta-gram account ay ibinahagi ni M­ariel Rodriguez ang hirap niya sa pagbu-buntis sa pangalawang anak nila ni Robin Padilla.

As we all know ay may record si Mariel na talagang hirap sa pagbu-buntis and in fact ay nagkaroon na siya ng miscarriages. But one good thing about her, kahit risky for her ang pregnancy, she’s always willing to take the risk.

Abante Hiring – IT dep

Ayon sa post ni Mariel, napakarami niyang health issues at ito ang dahilan kung bakit ayaw ni Robin na magbuntis siya.

“I inject heparin 2x a day. Is it painful? A little. Is it worth it? Definitely. I had several miscarriages and even though i tested negative for Apas my OB, Dr. Eileen Manalo (who in my book is the best ob/gyne in the country), treated me as an apas patient and that is why i have Isabella. Isabella and Baby Surprise (my nickname for baby #2 hehe) are both naturally conceived.

“I have no fertility issues but aside from apas i also have pcos, i had cysts in my ovaries, i even had gestational diabetes with my other pregnancy wherein i needed to inject insulin as well.

“These are the reasons why Robin doesn’t want me pregnant because i go through so much,” bahagi ng post ni Mariel.

Ang APAS (Antiphospholipid Antibody Syndrome) na tinutukoy ni Mariel, ayon sa goggle search ay isang “autoimmune disorder that is associated with pregnancy complications, including preeclampsia, thrombosis, autoimmune thrombocytopenia, fetal growth restriction, and fetal loss.” To be clear, ayon sa TV host ay negative naman siya sa nasabing kundisyon.

Patuloy pa ni Mariel, kahit na raw mahirap ang pagbubuntis ay kakayanin niya ito kapalit ng pagi-ging isang ina.

“But for me it is a small price to pay because in exchange i get to mother one of God’s greatest creation,” patuloy niya.

Sa huli ay nagbigay ng mensahe si Mariel sa mga kapwa-babae na nahihirapang magka-anak.

“So this is a message for all the women who are trying… don’t give up. One day God will bless you with His greatest gift. Believe. It may be a difficult painful journey but it will happen. Remember nothing worth having comes easy. Sending lots of baby dust your way,” pagtatapos ng TV host.

Alahas ni KC pinag-interesan nina Vice, Lea

Ibinandera ni KC Concepcion ang pinamana sa kanyang alahas ng kanyang yumaong lolang si Elaine Cuneta. Ipinost ng panganay ni Sharon Cuneta ang larawan ng suot-suot na apat na solid gold rings with diamonds sa kanyang 4 na daliri at bawat isa ay may 2 letters ng kanyang 8-letter first name na Kristina.

“One of the last things my grandma gave me before she passed: Solid gold rings with sparkling diamonds that spell out my first name. Somehow when I wear her jewelry, I feel like she’s ‘with me.’ It’s in these little moments that I feel she still encourages me, and guides the work of my hands, to this day,” ang caption ni KC.

Sa comments section ay sumagot si Vice Ganda. Aniya, “gusto ko din nyan!”
Halos ganito rin ang comment ni Lea Salonga. “I would love this!!!!” reaksyon niya.

Ang dami namang nag-comment na napa-kasuwerte niyang apo at talagang mahal na mahal siya ng lola niya noong nabubuhay pa.

Well, e­verybody knows naman na lola’s girl si KC at siya talaga ang paboritong apo ni Elaine.