Abante Tonite Interactive

Mariel iniwan na si Robin

574

Umalis na si Mariel Rodriguez patungong USA last Friday dahil doon siya manganganak sa pangalawa nilang baby ni Robin Padilla na si Gabriella.

Nag-post si Mariel sa kanyang Instagram account ng larawan nila ng mister na si Robin Padilla at panganay na anak na si Isabella habang nasa Ninoy Aquino International Airport sila.

“Here we are embarking on another journey… Making sacrifices and doing what’s best for our children. Thank you for our trip, babe! We miss you already! When we see you next time we will be with Gabriela. we love you so much,” ang caption ni Mariel.

Obviously, hindi kasama si Binoe sa US at hinatid lang niya ang kanyang mag-ina sa airport. Matagal mawawala si Mariel at baka raw next year pa makabalik ulit ng ‘Pinas.

Ayon kay Binoe in his recent video, gusto raw niyang samahan ang misis niya sa US na manganganak bago matapos ang taon pero hindi nga raw puwede dahil hindi naman daw siya binibigyan ng US visa. (Vinia Vivar)