Abante Tonite Interactive

Mariel keber mag-post ng steak, inupakan

914

NI: RONA RONDA

Binatikos si Mariel Rordriguez- Padilla ng isang netizen, matapos siyang mag-post ng fresh aussie steak sa kanyang Instagram. Nakasaad pa sa post ang contact number para sa mga gustong umorder.

Tila insensitive umano ang post ni Mariel lalo na sa mga taong nakakaranas ng krisis dahil sa COVID-19.

Komento ng netizen, “Ang daming nghihirap ..wala ng makain.”

Subalit hindi umano magi-guilty si Mariel sa kanyang pinost. Diretsahan niyang sagot sa netizen, “Alam mo, i do not feel guilty kahit konti you know why? We have done soooooo much more than what you see in the social media. So if i want to post my lolo’s steak. I WILL. with no guilt whatsoever.”

May isang netizen naman ang gumatong at nagsabing magkaiba umano ang pagiging guilty at sensitive.

Komento ni Ted Teylan, “With due respect being guilty is different from being sensitive. During this time of crisis is pitiful for some people that they are feeding sardines to their children given by their LGU’s and some reach people show off what they serve on their table.”

May iba naman nagtanggol kay Mariel na porket marami umanong nagugutom ay wala na umano itong karapatang kumain ng masarap.

Tonite – Wendys Inhouse Ad