Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mariel laglag-panty kay Robin

0 197

NI:ARCHIE LIAO

Sa kanyang vlog, nag-throwback at nag-react si Mariel Rodriguez sa mga lumang photo na nakalap ng kanyang team para sa kanyang vlog.

Nawindang siya sa isang larawan na kuha sa taping ng kanilang sitcom noon na “OK Fine Whatever” with Aga Muhlach.

Aniya,sobrang payat daw niya noong dalaga pa siya at magandang mag-reminisce ng mga alaala ng mga panahong iyon.

Biro niya, iba raw ang disiplina niya noon kumpara ngayon.

Ang mga pagkaing hindi raw kasi niya kinakain noon ay nilalantakan na niya ngayon.

Nag-comment din siya sa guesting nila noon ng kanyang kapatid na si Kaye sa show na Boy and Kris.

Ani Mariel, aminado raw siyang parang aso’t-puso sila ng kanyang sister.

Katunayan, madalas daw silang mag-aaway at magkapisikalan.

May mga pagkakataon nga raw na nauuwi sa sabunutan ang kanilang pag-aaway.

Tungkol naman sa esposo niyang si Robin Padilla, sinariwa niya kung paano nabuo ang kanilang kilig na tambalan noon sa “Wowowee” ni Willie Revillame kung saan siya ang co-host.

Aniya, those were the days daw na parang lagi siyang lutang dahil inlababu siya kay Robin.

Feeling daw niya noon ay isa siyang school girl na laging kinikilig kay Binoe.

Hirit pa niya, hanggang ngayon daw naman ay nandoon pa rin na kinikilig pa rin siya sa kanyang mister kahit meron na silang dalawang anak.

Kumbaga, makalaglag-panty pa rin daw ang kakisigan ng kanyang hubby para sa kanya hanggang ngayon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.