Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mariel magtatapyas ng taba

0 64

NI: ARCHIE LIAO

Isa sa mga naipangako noon ni Mariel Rodriguez kung sakaling papalarin ang kanyang mister na si Robin Padilla bilang senador ay ang asikasuhin ang kanyang sarili.

Aniya, magpapapayat daw siya.

Alam niyang magiging mahirap pero gagawin daw niya iyon para sa kabiyak.

Siyempre nga naman, kailangan niyang maging presentable at maging back in tip top form dahil asawa na siya ng isang mambabatas.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dagdag pa niya, todo rin daw ang ibibigay niyang suporta sa mister sa mga adbokasya nito in case na mahahalal ito.

Wala namang pagsidlan sa kasiyahan ang dating actress at TV host sa pagkapanalo ni Binoe sa senatorial race.

Caption niya sa IG: “My Senator is #1 we are beyond grateful!!! Pilipinas, maraming maraming salamat.”

Si Robin ang ilan sa mga artistang naging topnotchers o nakakuha ng pinakamaraming boto sa Senado.

Nauna na sa kanya ang Vice Presidential candidate na si Tito Sotto noong 1992 na sinundan ni Bong Revilla noong 2010. Dalawang beses din nanguna sa eleksyon bilang senador si Loren Legarda na kilalang dating tv host .

Leave A Reply

Your email address will not be published.