Mariel malaya nang magsuot ng pink

NI: BETH GELENA
Natuwa si Mariel Padilla dahil makapagsusuot na raw uli siya ng kulay pink na damit.
Sa kanyang bagong post na larawan sa Instagram, naka-blazer siya ng kulay rosas. Ang caption niya ay “yehey pwede na ulit mag Pink!! #PinkloverOG”

Sinundan naman ng reaksyon ng netizen ang sinabi ni Mariel.
“makakasuot na rin ako ng red, sa office namin big deal masyado ang kulay red at pink dati.”