Abante Tonite Interactive

Mariel na-shock sa pagkamatay ng direktor

1,333

tonite-pak-allan-diones
Medyo na-shock si Mariel de Leon sa big­lang pagkamatay ng direktor ng pelikula nila ni Nathalie Hart na si Christopher Ad Castillo.

Si Direk Chris ang nagdirek ng ‘Patayin Mo Sa Sindak si Barbara’ na sina Mariel at Nathalie ang bida.

Nang makatsika namin si Mariel ay parang hindi pa rin siya makapaniwala na pumanaw na ang direktor nila.

Abante Hiring – IT dep

Ayon sa beauty queen-turned-actress, natapos ni Direk Chris ang remake ng nasabing classic horror movie bago ito suma­kabilang-buhay nu’ng August 18 sanhi ng atake sa puso at komplikasyon sa diabetes.

Wala raw kamalay-malay sina Mariel na ‘yun na pala ang huling pelikula ng 54-anyos na direktor.

Si Direk Christopher ang panganay na anak ng kilalang direktor noong araw na si Direk Celso Ad. Castillo (nagdirehe ng ‘Burlesk Queen’, ‘Pagputi ng Uwak, Pag-itim ng Tagak’, ‘Asedillo’, atbp).

Ilan sa mga dinirek ni Direk Christopher Ad Castillo ay ang Ci­nemalaya 2013 entry ni Gretchen Barretto na ‘The Diplomat Hotel’, at ang horror films din na ‘In Darkness We Live’ (2014) at ‘The Sky is Falling’ (2002).

Hindi pa sure kung kailan ang showing ng ‘Barbara’ movie nina Mariel at Nathalie, na swan song ng nasira nilang direktor.

Zeus may pabakat

“May pabakat si Meyor!” ang pilyong hirit ni Hashtag Zeus Collins tungkol sa kung anong pa-yummy niyang eksena sa pelikulang ‘Wander Bra’ na bida sina Myrtle Sarrosa at Kakai Bautista.

Kuwento ni Zeus, may eksenang naliligo siya sa sapa bilang ang role niya ay isang probinsiyano na famous sa lugar nila. ‘Pag naliligo raw siya sa sapa ay nag-aabang ang mga ka-barrio niya at may pa-banner pa para sa kanya.

Hindi raw masyadong nakapaghanda ng katawan si Zeus dahil biglaan ‘yung tawag na gagawin niya ang movie.

So, medyo nakasando lang daw siya at shorts sa sapa. Kung naghanda siya ay topless daw ‘yon at saka tattered brief. Basta, meron naman daw pabakat.

Hindi nakita ni Kakai o ni Myrtle ang pabakat na ‘yon dahil mag-isa lang siyang naliligo sa eksena.

Handa raw maging superhero rin si Zeus kahit pa ‘Wander Brief’ ang pelikula na magsusuot siya ng mahiwagang brief.

Komportable ang 25-anyos na dancer kay Kakai dahil matagal na pala silang magkakilala nito, mula nu’ng back-up dan­cer pa lang siya ni Maja Salvador, na laging guest sa mga tour nito si Kakai.

Kaya nang malaman niyang si Kakai ang makakatrabaho niya ay hindi siya nahiya o nailang dito kahit first time ito ni Zeus na umakting.

Sobrang bait daw ni Kakai, na ang me­mories niya ay ‘yung nag-a-album tour sila before with Maja, na nagba-bonding sila nina Kakai sa gabi at ang komedyana ang nagpapasaya sa grupo.

Sey naman ni Kakai, sobrang mahiyain dati si Zeus kaya nagulat siya na ngayon ay sumasayaw na ito sa TV at masyupal na ang fez.

In fairness, may potensiyal din daw si Zeus na magpatawa. Kasi, ang mga hirit nito sa totoong buhay ay siraulo rin.
Makikita raw ‘yon sa movie na sexy, papable at jowable si Zeus, pero nagpatawa rin bukod sa masarap.

Sa September 12 ang showing sa mga sinehan nationwide ng ‘Wander Bra’ mula sa direksiyon ni Joven Tan.