Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mariel nabisto na puro babae ang staff ni Robin

0 196

Kakatwa ang bagong entry ni Mariel Rodriguez-Padilla sa kanyang vlog.

Ito ay may kinalaman sa pagsunod niya sa mister na si Robin Padilla sa trabaho nito para mag-espiya.

Sa naturang vlog, nasorpresa si Binoe sa ginawang unscheduled visit sa kanya ng misis. Wala sa hinagap niya na susundan pala siya ng esposa.

Sey ni Mariel: “Many of you are wondering what Robin actually does and what it’s like in his place of work.”

Ayon naman sa ilang mga netizen, gusto raw yatang hulihin ng TV host-actress sa akto si Robin .Bet yata niyang makumpirma kung talagang good boy na ito o isa pa ring chick boy na gumagawa ng kalokohan.

Maging ang viewers ay medyo naintriga rin sa pa-suspense ni Mariel.

“Don’t worry, you’re not alone! Kasama ang mga bata, we decided to pay tatay a visit to see what really happens when he’s not at home,” hirit ni Mariel.

Sa isang bahagi pa ng video, ni-raid pa ni Mariel ang opisina ni Robin at nagkomento tungkol sa female staff niya na nasa loob ng kanyang kuwarto.

“Puro mga babae pala kayo dito, ‘no?” pasakalye ni Mariel.

Marami naman ang natawa at naaliw sa ginawang pag-raid ni Mariel sa place of work ni Binoe.

Kung sakali raw palang ‘çaught in the act’ si Robin ay wala itong kawala sa pagkabuking ng misis.

Ito ang ilan sa mga komento ng netizens sa naturang video.

“I just realized that Mariel is naturally funny.”

“Hahaha ang dami kong tawa sa iyo mariel nakaka-good vibes ka talaga.”

“Galing ng editor nakadagdag sa laugh trip vibes. Favorite vlogger ko na ‘to.”

“Mariel Padilla is indeed a comedienne lol, if I’m watching her vlogs, I am laughing alone LOL. Nakakawala ng STRESS.”

“Walang kawala si Binoe.”

Nas Academy pumiyok sa ‘scam’ kay Whang-OD

Kontrobersyal ngayon ang Nas Academy, ang online learning platform na nagtuturo ng iba’t-ibang kurso kung saan kasama sa educators sina 2018 Ms. Universe Catriona Gray at ang beteranong broadcast journalist Jessica Soho.

Sa kanya kasing Facebook account, sinabi ng isang netizen na nagngangalang Gracia Palicas, apo ng Kalinga tattoo artist na si Whang-Od na ‘scam’ umano ang nasabing akademya.

Katunayan, binalaan pa niya ang mga netizen na mag-ingat dahil hindi raw kasama bilang educator ang kanyang lola sa nasabing online training platform.

May iniaalok kasing kursong “Learn the Ancient Art of Tattooing” ang akademya kung saan isa sa educators ang kanyang great grandmother.

Sa ngayon, wala na ang nasabing post ni Palicas sa kanyang social media account.

Sa pahayag naman ng Nas Academy, iginiit nito na hindi scam ang kursong iniaalok nila featuring Whang Od.Naglabas pa sila ng katibayan na meron talagang kontrata sa pamamagitan ng thumbprint ni Whang Od.

Anila, may consent daw ito ng pamilya ng tattoo artist at ng kanyang pamilya.

Katunayan, ang pamangkin daw nitong si Estella Palangdao ang kausap nila at naroon sa negosasyon ng proyekto.

Hirit pa nila,compensated din daw ang artist at bahagi ng kikitain ng akademya sa online training ay mapupunta kay Whang-Od.

Leave A Reply

Your email address will not be published.