Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mariel nakipag-etchosan kay Vina; itsapuwera si Bianca

0 98

Ni: ARCHIE LIAO

Marami ang nagtaas ang kilay sa ipinost ni Mariel Padilla sa kanyang Instagram story tungkol sa mga pangalan ng Pinay women celebrities na hindi niya malilimutan sa tanang buhay niya sa listahang tinawag niyang “List of Woman Celebrities I Will Never Ever Forget.”

Nangunguna sa kanyang listahan ang ex ng kanyang mister na si Vina Morales na tumutulong sa senatorial campaign ni Robin Padilla.

Nasa listahan din ang Gonzaga sisters na sina Toni at Alex Gonzaga, pero kapansin-pansin na wala ang dating co-PBB host at friend niya na si Bianca Gonzalez.

Sey naman ng ilang kibitzers, ‘laglag’ sa listahan si Bianca dahil hindi ito kaalyado ng kanyang asawa .Iba ang kandidatong sinusuportahan nito.

Kasama rin sa list sina Karla Estrada, Ruffa Gutierrez, Aubrey Miles, Nadia Montenegro, RR Enriquez at Valerie Concepcion.

Matatandaang noong mag-resign si Toni Gonzaga bilang host ng PBB dahil sa kontrobersya sa pagsuporta sa isang presidentiable, si Bianca Gonzales ang napiling pumalit sa kanya.

SM food to go Banner Ad

Sa pagkawala ni Toni sa nasabing show, nagbigay naman ng suporta si Mariel at sinabing friend at sister forever niya ang una.

Sey naman ni Bianca kay Mariel noon: “@marieltpadilla Nobody can ever take your place and do it like you @celestinegonzaga, nag-iisa ka. Love you both.”

Pinalakas naman ni Mariel ang loob ni Bianca at sinabi n’yang kayang-kaya nito na i-handle ang show.

“@iamsuperbianca friendship goes beyond work, beyond religion, beyond politics… beyond it all. Go make us proud B! You got this! we believe in you!” pagtsi-cheer ng misis ni Robin Padilla sa kanyang kumare noon.

Dahil sa mga resibong ito, marami ang nagtataka kung bakit itsapuwera na si Bianca sa listahan ng mga taong nagma-matter sa kanya sa ngayon.

Ito naman ang ilang komento ng kibitzers sa kontrobersyal na post ni Mariel.

“Kaloka ang pakilig nina Vina at Robin sa rally. Scripted ba ito o kasabwat si Mariel o nakikipag-echosan lang ba siya kay Vina?”

Leave A Reply

Your email address will not be published.