Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mariel pumiyok sa pamimigay ni Robin ng milyones

0 240

Single mom ang drama ni Mariel Rodriguez nitong nakaraang Pasko’t Bagong Taon dahil nga wala ang kanyang mister na si Robin Padilla.

Sa latest vlog ni Mariel ay ibinahagi niya ang kaganapan noong New Year’s Eve na wala ang kanyang asawa. Matatandaang noong nakaraang Pasko ay nag-post siya na hindi nga rin nakauwi si Binoe dahil nga namamahagi ito ng tulong sa mga tao.

“Ang wish ko lang talaga, buo ‘yung pamilya and hindi mangyayari dahil nagkaroon ng bagyo. Dahil sa bagyo, si Robin is out there. Na-shock nga ako kasi nagpakamatay akong nagbenta ng steak tapos ‘yung asawa ko namimigay ng mga milyones! Hahaha,” sabi ni Mariel sa kanyang Christmas vlog.

Sa New Year vlog niya ay ganu’n pa rin ang senaryo.

“As you guys know that we weren’t able to spend Christmas together. Umuwi siya ng (Dec) 29, umalis din siya ng 30.”

Ipinaliwanag naman daw sa kanya ng asawa na ang mga pangangailangan ng tao ay hindi naman daw dapat paghintayin na porke’t Holiday ay palilipasin muna ang pamimigay ng tulong.

“So, siya rin, I’m sure, gustong-gusto niya talaga to be here on New Year’s eve,” aniya.

Nauna na ring ipinaliwanag ni Mariel sa Christmas vlog na hindi raw dahil sa tumatakbong Senador ang asawa kaya namimigay ng tulong kungdi ganu’n na raw ito noon pa.

“Namimigay siya kasi ganu’n siya talaga hindi dahil he’s running for senate or anything kasi ganu’n siya talaga kahit dati pa,” aniya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pagkatapos ng putukan ay nakausap naman ni Mariel si Robin via video call.

“Kami ngayon ay LDR, long distance relationship,” sey ni Mariel.

Natawa naman si Binoe at aniya, “OFW ako, eh.”

Sabi pa ni Mariel, “heto, hindi pa nakakauwi may next schedule naman, Palawan naman daw, sabi ko itutuloy-tuloy ko na ang pagiging single mom ko!”

Tawa lang nang tawa si Binoe.

Kinabukasan, January 1, sobrang saya naman ni Mariel na paggising niya ay nasa bahay na si Binoe,

“Today is 2022, the very first day and guess what, nandito si sir (Robin) umabot siya sandali just for January 1!” masayang wika ni Marie.

Makikita sa video na masayang nakikipaglaro si Robin sa mga anak na labis din siyang na-miss.

Leave A Reply

Your email address will not be published.