Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mariel windang sa baril ng biyenan

0 132

NI: VINIA VIVAR

Truly, hindi maipagkakailang asawa talaga ng isang action star si Mariel Rodriguez. Would you belive, may collection pala siya ng mga baril at sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinakita niya ito sa kanyang latest YouTube vlog.

Bungad ni Mariel, talaga raw hindi aakalain ng mga tao na may gun collection siya. “Nakita n’yo naman ang mga collections ko, mga head bands, bags, plato. Pero meron din tayong other side.”

Nagsimula raw na magkaroon siya ng gun collection nang regaluhan siya ng mister na si Robin Padilla ng isang hand gun noong 2011 at ipinakita nga niya ito sa video.

Siyempre, nagulat daw siya pero mas naloka siya nang malamang may baril din ang kanyang biyenang si Mommy Eva Carino.

“I remember, I’ll never forget it. One of the first few times that I’ve met my mother-in-law, she said, ‘Robin, ‘yung shotgun ko, parang kailangan nang lagyan ng langis.’ I was shocked. Imagine, a 70-year-old lady, sinabi niya na may shotgun siya. I was shocked to the core! Bago pa lang ako no’n sa pamilya nila. ‘Eto na tayo ngayon, may koleksyon na rin ako,” pagbahahagi niya.

SM food to go Banner Ad

Isa-isang ipinakita ni Mariel ang mga baril with detailed explanation. Kwento pa niya, of course ay si Binoe ang nagturo sa kanya na magpaputok at noong una nga raw ay talagang takot na takot siya.

“Ten years after takot pa rin ako, okay, I still get scared,” she said.

Nilinaw rin niyang lahat ng baril niya ay may permit at mayroon din daw siyang lisensya na ipinakita rin niya lahat.

Ikinuwento rin niyang the first time na nakita niyang may dalang baril si Binoe ay noong panahon pa ng pagho-host niya sa Wowowee na show nia ni Willie Revillame sa ABS-CBN.

“Ihahatid niya ako sa Wowowee, ito ‘yung isinusuksok niya du’n sa ilalim ng upuan niya na noong una na-shock-shock pa ako. Sabi ko, ‘oh my Gosh, ihahatid lang ako sa work, bakit tayo may gun?’ Hindi pa ako masyado no’n sanay, bago pa lang ako du’n sa Padilla, hindi pa ako masyadong goons. Ngayon, goons na ‘to!” sey niya.

Nilinaw rin niya na ang mga baril ay nakatago sa isang very secured vault and definitely ay out of reach ng mga bata. Klinaro rin niyang hindi ‘for violence’ ang mga baril na ito and most of them ay ginagamit sa shooting at siyempre for security and protection na rin nila.

Leave A Reply

Your email address will not be published.