Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marijuana iligal pa rin sa PH

0 247

Mananatiling iligal ang paggamit ng marijuana sa Pilipinas sa kabila ng desisyon ng United Nations Commission on Narcotics Drugs (UN-CND) na alisin ito sa katerogya ng mga pinakamapanganib na droga sa buong mundo.

Base sa pahayag ng Dangerous Drugs Board (DDB) at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Huwebes, saklaw pa rin ng gobyerno ang pagtatakda ng klasipikasyon at regulasyon sa marijuana sa bansa.

Matatandaang inalis ng UN-CND ang marijuana sa Schedule IV ng 1961 Single Convention on Narcotics Drugs, ang listahan ng mga pinakamapanganib na droga sa mundo.

Subalit inihayag ng DDB at PDEA na nakasaad sa batas ng Pilipinas, sa ilalim ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na ang marijuana ay nasa kategorya ng `dangerous drugs’. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.