Abante Tonite Interactive

Marijuana tinangkang ipasok sa campus ng estudyante

By
176

Arestado ang isang 19-anyos na estudyante ng Arellano University matapos nitong tangkaing magpasok ng dalawang plastic ng pinatuyong dahon ng marijuana na may fruiting tops sa loob ng campus kamakalawa ng hapon sa Legarda St., Sampaloc, Maynila.

Nasa kustodiya na ng Manila Police District (MPD)-Police Station 5 ang suspek na si Rico Narag y Malaba­nan, 19, estud­yante ng Arellano University at taga-No. 351 Mabagos St., Tondo.

Ayon sa imbestigasyon, alas-3:10 ng hapon nang makuha sa bag ng suspek ang mari­juana nang tingnan ng guwardiya ang backpack nito bilang bahagi ng Standard Operating Procedure (SOP) ng unibersidad bago papasukin ang mga estudyante.
Kaagad na pinigil ng guwardiya ang suspek at saka itinurnover sa MPD-PS 4.

Sinampahan ito ng kasong paglabag sa Section 11, Article II ng RA 9165 o kilala bilang Dangerous Drugs Act of 2002 sa Manila Prose­cutors Office.