Abante Tonite Interactive

Marikina kailangan ng 2,000 skilled shoemaker

208

Kinakailangan ng Marikina City ng mahigit 2,000 na skilled worker para sa industriya ng paggagawa ng sapatos.

Ayon kay Marikina Mayor Marcelino ‘Marcy’ Teodoro, nakararanas ang industriya ng sapatos ng kakulangan sa mga skilled worker sa kabila ng paglakas ng mahigit 200-anyos na shoe industry.

“Ang malaking problema ng shoe industry ngayon is ‘yung manpower, qualified skilled workers,” ayon kay Teodoro.

Nabatid na ang kakulangan ng mga skilled worker sa paggawa ng sapatos ay pangunahing kailangan at nangangailangan ng pormal na kasanayan.

“Ang nangyayari apprenticeship, kung gusto mong matuto papasok ka dun sa sapatusan, magiging utusan ka muna, titingnan mo ‘yung proseso ng paggawa, tuturuan ka ng kapwa gumagawa hanggang matuto ka na,” ayon pa sa alkalde.

Ang mga manggagawa sa shoe industry ay nakatatanggap ng tamang sahod at benepisyo, base sa pagsunod sa Labor Code.

“Meron kami ilang mga pagawaan na ethically made shoes, kaya ko tinatawag na ethically made shoes compliant na rin dun sa minimum wage, dun sa benefits, SSS, Pag-IBIG, etc.,” paliwanag ni Mayor Teodoro.

“Backyard industry kasi ang shoemaking, pero sa ngayon sumusunod naman tayo sa Labor Code ayon sa bilang ng manggagawa. ‘Yung iba naman tatlo lang ang gumagawa, parang seaso­nal lang ba, pero ‘yung mga malalaki nating pagawaan nakasu­nod naman dun sa mga labor regulations.”

Sa ngayon, ang Marikina ay mayroong 5,000 hanggang 6,000 na manggagawa ng sapatos. (Vick Aquino)