Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marikina nakahanda kay ‘Fabian’

0 36

Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Marikina na naka-full alert na ang Marikina Rescue 161 sa posibleng pag­baha at paglikas ng mga residenteng maaapektuhan ng malakas na ulan dulot ng bagyong ‘Fabian’.

Ayon kay Marikina Rescue 161 Chief Dave David, nanatili pa namang normal ang water level sa Marikina River na 13 metro. Sakaling tumaas ito sa 15-meter mark ay senyales na para sa preparasyon sa evacuation ng mga residente.

SM food to go Banner Ad

Handa na umano ang mga evacuation center kung kinakailangan, maging ang mga food pack, kasabay ng pagtiyak na masusunod ang health protocols doon.

“We reduced capacity ng each camp to 30%. Let’s say, kung 100% dati, naging 30% na lang siya. Sa isang multi-purpose gymnasium, dati naglalagay kami around 50 to 60 modular tents to accommodate 50 to 60 families, ngayon 20 na lang iyong nilalagay namin,” ani David. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.