Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marikina pinakamabilis sa pagsirit ng COVID

0 57

Patuloy na lumolobo ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19, at ang Marikina City ang tinukoy na nanguna matapos ang mga naging aktibidad ng publiko nitong holidays, ayon sa obserbasyon ng OCTA Research Group nitong Martes.

Sa mga lugar sa Metro Manila, ang Marikina City ang naka-highlight sa OCTA Group na may pinakamaraming naitalang bagong kaso ng COVID-19.

“An LGU of concern is Marikina, which not only increased by 127% compared to the previous week, the case reports also increased compared to two weeks ago. Marikina also had the highest positivity rate among NCR LGUs at 11%,” base sa report ng OCTA group.

Inilabas ng OCTA ang kanilang report matapos na makapagtala nitong Lunes ng pinakamalaking bagong kaso na umabot sa 2,052 mula noong Pasko. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.