Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marikina pinalubog ng minahan sa Rizal – Teodoro

0 330

Isinisisi ng Marikina City local government unit (LGU) ang patuloy na lumalaking quarrying operations sa Rizal province kung saan nagdulot ng biglang paglubog ng Marikina City, maging ang ilang bayan sa Rizal sanhi ng pagbayo ng nagdaang bagyong Ulysses.

Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro, nakikita niyang dahilan ng paglubog ng siyudad ay ang quarrying kung saan sinabi ng alkalde na ipinatigil na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang minahan subalit makalipas lamang ang 2-taon ay balik operasyon uli ito.

SM food to go Banner Ad

“I hope they will think of other people’s welfare. They might be making money but they cause damage not only to property, but also to the lives of people. Some people even lose their lives because of their operations. That’s why they should stop. They should do what is right,” paliwanag ni Teodoro.

Samantala, patuloy pa rin ang isinagawang road clearing operations sa buong lungsod ng Marikina, particular na sa barangay ng Tumana at Malanday, maging sa Provident Village para sa mabilis na paghatid ng relief operations.

Agad ding isinailalim ng alkalde sa state of calamity ang buong siyudad ng Marikina. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.