Abante Tonite Interactive

Marikina tumba kay Jeruta, Iloilo

257

Mga laro ngayon: (Muntinlupa Sports Complex)
4 p.m. – Mindoro vs SOCCSKSARGEN
6:30 p.m. – Nueva Ecija vs Davao Occ.
8:30 p.m. – Muntinlupa vs Bicol

Binitbit ni Aaron Jeruta ang Iloilo United Royals kontra Marikina Shoemakers, 70-55, sa panghimas na laro Huwebes ng hapon sa 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Cup 2019 eliminations sa Bataan People’s Center, Balanga.

Umarya si Jeruta ng 11 points, 6 rebounds at 8 assists upang ibigay sa United Royals ang kambal na panalo at ika-6 sa pangkalahatan laban sa 4 na talo para kapitan ang seventh spot sa Group B South Division.

Nakatuwang din ng Ilonggos sina Rodel Samboy de Leon na may 14 markers at 7 boards, at Richard Escoto na may 13 pts. at 7 rebs. din para iputong Shoe Capital ang masaklap na 1-8 para sa ika-16 o kulelat sa Group A North Division.

“Ginawa lang namin yung tama, yung mga pinapagawa ng mga coach namin”, wika ni best player of the game Jeruta. “Yung extra work na ginagawa namin tingin ko kaya naming magtuloy-tuloy.”

Tanging si Yves Sason lang ang parang pumalag sa Marikina sa mag-isang pag-abot sa twin digit scoring – 15 na ‘di nasustena ang nilamang sa laro na anim na puntos at maiwanan pa ng hanggang 15 ng Iloilo.

Ang iskor:
Iloilo 70 – De Leon 14, Escoto 13, Jeruta 11, Publico 7, Tamsi 5, Rodriguez 5, Gumaru 4, Javelosa 3, Arambulo 2, De Joya 2, Mahari 2, Sinco 2, Pedrosa 0, Li 0, Guion 0.
Marikina 55 – Sazon 15, Rebugio 9, Pascual 8, Gonzales 6, Dysam 5, Padua 4, Salvador 2, Tilos 2, Mendoza 1, Espanola 1, Gines 0, Campos 0, Calaguio 0.
Quarters: 10-12, 32-25, 44-44, 70-55. (Aivan Denzel Episcope)