Abante Tonite
Mabilis sa Balita

MARINA binawasan singil sa certificate

0 86

Inanunsiyo kahapon ng Maritime Industry Authority (MARINA) na kanilang binawasan ang singil sa certification na kinakailangan ng mga marino.

Sa Facebook post ng MARINA na inilagay din sa Department of Transportation (DOTr) FB page, inihayag na mula sa P200 ay ginawa nang P130 ang singil para sa Certificate of Proficiency (COP) habang P330 na lamang mula sa dating P600 ang mabilisan o onboard processing nito.

Makakakuha naman ng Certificate of Competency (COC) sa halagang P530 mula sa dating sinisingil na P1,000. Nasa P780 naman ang singil mula sa dating P1,500 para sa mabilisan o onboard processing nito.

SM food to go Banner Ad

Nilinaw din na hindi pa kasama sa singil ang documentary stamp tax.

Nabatid na ipinatupad ang pagbabago sa bayarin sa pagkuha ng COC at COP batay sa MARINA Circular No. SC 2022-02 na inisyu noong Biyernes. Alinsunod umano ito sa Republic Act No. 11032 o Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018 at sa International Convention on Standards of Training, Certification, and Watchkeeping for Seafarers.

Leave A Reply

Your email address will not be published.