Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marina boss, 14 pa na-virus din

0 85

Sapol ng coronavirus disease si Maritime Industry Authority (Marina) Administrator Robert Empedrad at 14 pang tauhan niya.

“At least 15 individuals at the Central Office of the Maritime Industry Authority in Manila have tested positive for the coronavirus disease or COVID-19,” ani Empedrad kamakalawa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kabilang aniya siya sa infected na tauhan ng Marina. “I was also infected but I’m OK now,” sambit niya.

Sa iba’t ibang opisina nagmula ang mga infected personnel pero ilan sa kanila ay asymptomatic kaya tiwalang makakarekober din sa sakit sa lalong madaling panahon.

Hinikayat niya ang mga nagpunta sa kanilang opisina sa Maynila noong Jan. 18 na i-monitor ang kalusugan. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.