Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marinduque nalubog sa baha, 20K sa Quezon nilikas

0 105

Umabot na sa 5,825 pamilya o 21,125 na indibidwal ang isinailalim sa preventive evacuation sa lalawigan ng Quezon noong Linggo pa lang ng hapon dahil sa banta ng pananalasa ni Quinta.

Sa tala ng Quezon PDRRMO, pinakamarami ang inilikas mula sa mga bayan ng Lopez, Calauag at Gumaca na pinakagrabeng binaha noong nakaraang linggo dahil naman sa Bagyong Pepito.

Sa bayan ng San Andres sa Bondoc Peninsula sa Quezon ang ikatlong landfall ni Quinta, alas-10:30 ng gabi matapos dalawang beses mag-landfall sa isang isla at sa mainland ng Albay.

Lumubog naman sa baha ang kabayanan ng Boac sa Marinduque na isa rin sa mga lalawigan ng dinaanan ng Sentro ng bagyong Quinta.

Sa Bayan ng Torrijos sa nasabing lalawigan ang ikaapat na landfall ni Quinta ala-1:20 ng madaling araw. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.