Abante Tonite Interactive

Marine colonel na inaresto sa shabu lab, na-promote

By
263

Inaprubahan ng Commission on Appointments (CA) ang promosyon ni Marine Col. Ferdinand Marcelino kasama ang 41 pang mga opisyal ng militar.

Matatandaang isang lieutenant colonel pa noon si Marcelino nang maaresto kasama ang isang Chinese na si Yan Yi Shou, sa sinalakay na shabu laboratory sa Sta. Cruz, Maynila noong Enero 2016.

Ipinaliwanag ni Marcelo na nagsasagawa siya ng surveillance o­peration sa lugar nang dumating ang mga tauhan ng PNP Anti-Illegal Drugs Operations Task Force at nakasamsam ng 76.7 kilo ng shabu at 490 milliliters ng li­quid shabu.

Nagpakilala naman si Yan na isang asset pero itinanggi siya ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Nakulong si Marcelino pero nakalaya makaraang bawiin ng Department of Justice ang isinampang kaso laban sa kanya.

Naging emosyonal si Marcelino nang humarap sa pagdinig ng CA kahapon makaraang tanungin tungkol sa pagkakaaresto sa kanya kaugnay sa kaso ng droga.

Ipinaliwanag ni Marcelino na dalawan­g korte ang duminig sa kanyang kaso kaya’t natagalan bago tulu­yang nalinis ang pangalan niya.

Nanindigan ito na gawa-gawa lamang ang mga kaso laban sa kanya ng mga taong tinamaan sa kanyang trabaho laban sa droga.

“In fact, pag labas ng kulungan sabi ko aalis na siguro ako sa military but at the outset parang it also made me rea­lize na ‘yung pagiging mili­tary parang calling na siguro,” ani Marcelino.