Abante Tonite Interactive

Marinera ipaparada sina Remulla, Iratay

269

Ipaparada ng F2 Logistics ang powerhouse roster habang makikilatis ang bagong saltang Marinerang Pilipina sa simula ng 7th Philippine Superliga 2019 All-Filipino Conference­ ngayong araw sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Tapos mahugot si Filipino-Ameri­can Kalei Mau, naliyamado ng husto ang Cargo Movers pagharap sa Generika-Ayala mamayang alas-2 ng hapon,
makakatapat naman ng Lady Spikers ang Sta. Lucia sa alas-4 ng hapon tapos ng pambungad na seremonya sa alas-12:30 ng hapon.

Tiwala ang Cargo Movers sa bagong hugot kaya naman inaasa­hang magpapakitang gilas ito sa unang asignatura.

“We all know the kind of player Kalei is,” saad ni F2 team manager Hollie Reyes, “She is a very good player­ who can contribute on both ends. I can say that we’re very fortunate to have him on our team and we’re looking forward to win with her.”

Mapapalaban din ng todo ang Marinerang Pilipina na gagabayan ni coach Ronald Dulay habang si Vilet Ponce-de Leon ang chief assistant.

Ibabangga ng Lady Skippers sina veterans Ivy Remulla at Ers Iratay
.
“We may be a new team, but we have Ivy and Ers to provide veteran experience,” ani team manager Jed Montero. (Elech Dawa)