Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Maring’ lampas P1B iniwanang perwisyo

0 133

Tinatayang umabot sa P1.74 bilyong halaga ang winasak ng bagyong `Maring’ sa sektor ng agrikultura.

Ayon sa ulat ng Department of Agriculture (DA) kahapon, mahigit 56,000 na mga magsasaka at mangingisda sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, at Soccsksargen ang labis na naapektuhan sa pananalasa ng bagyo.

SM food to go Banner Ad

Kabilang umano sa mga napinsala ay mga pananim na bigas, mais, high-value crops at maging mga livestock, pangisdaan, irigasyon at iba pang pasilidad para sa agrikultura.

Inihayag naman ng DA na pagkakaloob ng ayuda ang mga apektadong magsasaka at mangingisda sa ilalim ng Quick Response Fund na nagkakahalaga ng P172 milyon para sa rehabilitasyon ng mga lugar na napinsala ng bagyong `Maring’.

Magkakaloob din umano ang pamahalaan ng emergency loan assistance mula sa Agricultural Credit Policy Council na may kabuuang P650 milyon kung saan ang P20,000 na ipapautang ay walang interes at kolateral na babayaran sa loob ng 10 taon. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.