Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Maring, Nando’ sanib-puwersa

0 54

Tuluyan nang nagsanib-puwersa ang mga bagyong ‘Maring’ at ‘Nando’ na kumikilos ngayon sa hilaga-hilagang kanluran sa ibabaw ng Philippine Sea.

Batay sa pinakahuling tropical cyclone bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa), ang sentro ni ‘Maring’ ay pinakahuling namataan sa layong 730 kilometers silangan ng Tuguegarao City, taglay ang lakas ng hangin na 85 kilometers per hour at pagbugso na hanggang 105 kph, at tinatayang kikilos pahilaga-hilagang kanluran sa bilis na 30 kph.

Nakataas ang signal no. 1 sa Batanes, Cagayan, Isabela, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao at hilagang bahagi ng Benguet, silangan at hilagang bahagi ng Samar, Dinagat Islands at Surigao del Norte.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Maghahatid ito ng pag-uulan sa Catanduanes at iba pang bahagi ng Bicol at Visayas regions.

Ayon pa sa Pagasa, ang southwesterlies ay maaari ring magdulot ng pag-ulan sa Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Palawan at Occidental Mindoro. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.