Abante Tonite Interactive

Marino bureau itatatag ni Digong

364

Bukod sa pagtatatag ng isang departamento na manga­ngalaga sa kapakanan ng mga overseas Filipino worke­r, nais din ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na bumuo ng isang tanggapan ng gobyerno para naman sa mga tripulanteng Pilipino.

Sinabi ito ng Pangulo sa kanyang pagdalo sa Araw ng Pasasalamat para sa overseas Filipino workers na ginanap sa Lapu-Lapu Grandstand sa Camp General Aguinaldo sa Quezon City noong Biyernes ng gabi.

Sa kanyang talum­pati, binanggit ng Pa­ngulo na nakalinya na rin sa kanya ang pagtatatag ng marine bureau na katulad ng layunin ng departamento para sa mga OFW na pangalagaan din ang kapakanan ng mga tri­pulanteng Pilipino.

“Maybe I can create the office of OFW pati ‘yung isa, meron pa ako ‘yung sa marino, na marine bureau. Ganu’n rin ang ano… it’s always the case of a bad recruitment, starting with a bad recruitment tapos kaawa ‘yung Pilipino.

Gayunman, hindi pa nagbigay ng ibang detalye ang Pangulo hinggil sa plano niyang marine bureau.