Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marino problemado sa dyowa, hinostage nanay

0 96

Dinakip ng pulisya ang isang seafarer na umano’y lango sa iligal na droga matapos nitong i-hostage ang kanyang ina sa loob ng kanilang bahay sa Barangay 4, Victorias City, Negros Occidental, Biyernes ng gabi.

Ang suspek ay kinilalang si Andrew Grecia, 39.

Nangyari ang insidente bandang alas-7:00 ng gabi. Rumesponde ang mga miyembro ng Victorias City Police sa bahay nina Grecia nang makarinig sila ng tatlong putok ng baril.

Sinasabing pinaputok ng suspek ang kanyang sniper rifle at saka hinostage ang 73-anyos niyang ina.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ilang araw na raw kasing hindi natutulog ang lalaki matapos magkaproblema sa nobya.

Inabot ng isang oras bago nakatiyempong makalabas ng bahay ang ina ng suspek, na masuwerteng hindi nagalusan.

Pitong oras namang tumagal ang negosasyon ng mga pulis sa suspek para makalma ito. Lumabas na ng bahay si Grecia matapos makausap ang ex-girlfriend sa telepono.

Narekober sa suspek ang isang sachet ng shabu, Remington sniper rifle at ilang bala.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at nahaharap sa mga kasong alarm and scandal, illegal possession of firearm and ammunition, at illegal possession of dangerous drugs. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.