Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marinong Pinoy kinatay ng kababayan sa barko

0 231

Isang marinong Pinoy ang inaresto ng mga awtoridad dahil sa pagpatay umano sa kanyang kababayang crew member din ng container ship.

Base sa ulat ng US Attorney’s Office sa Central District ng California, ang 41-anyos na suspek ay sinampahan na ng kasong kriminal matapos pagsasaksakin ang kanyang kababayan sa barkong kanilang pinaglilingkuran.

Hindi muna pinangalanan ng Tonite ang suspek habang wala pang opisyal na pahayag hinggil dito ang Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon sa ulat, isinampa ang kaso sa federal court sa Los Angeles.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dalawang kutsilyo umano ang ginamit ng suspek at pinagsasaksak nito ang biktima habang lulan sila ng barkong MSC Ravenna noong Setyembre 20.

Nabatid na galing China ang barko at patungo sa Port of Los Angeles nang maganap ang krimen.

Nasaksihan umano ng iba pang crew ang pangyayari at kinumbinsi naman ng kanilang kapitan ang suspek para sumuko matapos patayin ang kababayan.

Pansamantalang ikinulong sa cabin ang suspek at pagdating ng Liberian-flagged MSC Ravena sa Port of Los Angeles ay inaresto ito ng mga tauhan ng Federal Bureau of Investigation at United States Coast Guard Investigative Service.

Leave A Reply

Your email address will not be published.