Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mario type dyowain si Liza

0 968

Muling humarap ang Thai Superstar na si Mario Maurer sa Pinoy entertainment press sa zoom launch kahapon ng TNT’s “Kilig Saya” campaign.

As we all know, pamilyar ang mga Pinoy kay Mario dahil gumawa siya ng pelikula with Erich Gonzales noong 2012 at nakaharap na rin siya ng entertainment press sa mediacon ng nasabing pelikula.

Si Mario at dalawa pang pagkaguguwapo’t popular ding Thai actors na sina Nonkul Chanon (Bad Genius), Gulf Kanawut (TharnType: The Series) ang napiling maging TNT’s newest ambassadors along with Popstar Royalty Sarah Geronimo and Sue Ramirez.

Nakaaaliw ang tatlong Thai heartthrobs dahil game na game nilang sinagot ang mga tanong ng showbiz press at naki-join pa sa iba’t ibang challenges and games tulad ng Jowa or Tropa.

Sa Jowa or Tropa game, kabilang sa mga Pinoy actresses na ipinakita sa tatlo ay sina Liza Soberano at Bea Alonzo.

Sagot ni Mario about Liza ay “Jowa.” When asked kung na-meet ba niya in person ang aktres noong nandito sya sa Pinas, ayon sa Thai Superstar ay hindi raw.

Jowa rin ang sagot ni Gulf habang “tropa” naman si Nonkul.

SM food to go Banner Ad

Nang ipakita ang larawan ni Bea Alonzo, “tropa” ang sagot ni Mario. Nang tanungin ni DJ Chacha kung bakit, sagot ng aktor, “I need a guide to you know, guide me in the Philippines.”

Tinanong din sila kung ano ang maibibigay nilang love advice kay Bea since kabe-break lang nito sa boyfriend.

“I’m sure she’s a strong gil so, I hope she continues to have a good life and be happy,” sabi ni Mario.

Ayon naman kay Nonkul, matagal na raw siyang walang karelasyon kaya wala raw siya sa posisyon na magbigay ng love advice.

Isa pang cute na tanong kay Mario ay kung ano ang suot nito pag natutulog. Ayon sa Thai heartthrob ay boxer shorts. When asked kung na-try na niya na walang suot, yes daw naman pero malamig daw masyado and he can’t handle it.

Meanwhile, as TNT’s newest ambassadors, the trio headlined TNT’s “Kilig Saya” campaign in a 3-minute music video sang by Popstar Royalty Sarah Geronimo. The campaign also co-starred young actress Sue Ramirez. The commercial was launched via livestream at the first ever “TNTCON2021.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.