Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marion ‘sinabunutan’ si Yassi

0 80

NI: ROLDAN CASTRO

Scene-stealer si Marion Aunor sa pelikulang ‘More Than Blue’ na showing na ngayon sa Vivamax. Pinagbibidahan ito nina Yassi Pressman, JC Santos, Diego Loyazaga at Ariella Arida.

Aliw factor at iba ang karakter ni Marion sa movie. Napatawa niya kami habang ngumunguso siya sa eksena.

Markado ang role ng singer-actress dahil sinabunutan pa niya at kinaladkad si Yassi. Nag-usap ba sila bago i-shoot ‘yun?

“Hahaha! Yes, nag-usap po muna kami. Naka choreograph po ‘yung sabunutan,” pakli niya sa chat.

Kumusta ang experience niya sa movie?

“Masaya naman po. Enjoy,” saad pa ni Marion.

Hindi lang siya mahusay umarte dahil siya rin ang sumulat at kumanta ng themesong ng ‘More Than Blue.’

Bagay ang kanta niyang “Maghihintay” at “Kung Pwede Lang” sa movie. Gaya ng istorya ng MTB, ang ‘sakit’ din pakinggan ang awitin niya.

“Ha!ha!ha. Sinulat ko po talaga para doon. Sakit nga rin po nu’ng kakabasa ko palang ng script,” pahayag pa ni Marion.

Anyway, pang-apat na pelikula ito niya ito sa Viva Films. Nakasama rin siya sa ‘Revirginized,’ ‘Sarap Mong Patayin’ at ‘Kaka’.

Hindi lang pag-arte, humahataw si Marion kundi pati sa pag-awit. Kamakailan ay nanalo rin siya sa PMPC Star Awards for Music ng Female Acoustic Artist of the Year.

Leave A Reply

Your email address will not be published.