Abante Tonite Interactive

Marion walang keber kung mapagkamalang tibo

By
6,807

Isa si Marion Aunor sa prolific na singer/song PPP.writer ng bansa. Sa ginanap na blessing ng new headquarters ng Abante TONITE, TNT at Abante recently, kabilang si Marion sa naging panauhin at dito namin unang narinig ang kantang “Akala” na theme song ng pelikulang “The Day After Valentines”, entry sa darating na PPP.

Matapos naming sabihin na maganda ang bago niyang kanta ay nakahuntahan namin siya. “Iyong ‘Akala’ ang bagong song ko, plano ko talaga siya sa paglabas ng EP (Extended Play), or like ‘yung mini-album this year. Kaya lang nagustuhan nila Boss Vic (del Rosario), so pinagamit doon sa movie nina Direk Jason Paul (Laxamana), Bela Padilla at JC Santos,” ani Marion.

Napanood mo na ba ang movie? “Hindi pa, pero very excited ako dahil may lalabas na music video, na-shoot na po namin last week. Para ma-introduce talaga, ma-launch talaga as theme song itong ‘Akala’,” pakli pa ng dalaga ng dating 70’s teenstar na si Ms. Lala Aunor.

Sa rami mong nagagawang kanta, pati na sa ibang artists, saan ka kumukuha ng nagiging inspirasyon mo?

Tugon ni Marion, “Ngayon nga ano eh, kasi ‘yung mga hinihingi sa akin na song, humuhugot, eh. So, parang paano ba ako huhugot kung wala nga ‘kong lovelife? Hahaha!”

Aniya pa, “So mga past experiences ko, ‘tsaka ‘yung mga kuwento ng mga kaibigan ko, ‘yung mga nangyayari sa kanila, iyon ang inilalagay ko.”

Pero, may pressure ba sa iyo na magkaroon na ng lovelife? “Hindi naman po, sakto lang… Kasi, ayaw ko naman na magka-lovelife ka nga pero hindi naman sa tamang tao.

“Yeah, ayaw ko po na parang napilitan lang, na masabi lang na may lovelife… Unless pogi talaga, okay lang. hahaha!” Pabirong saad pa ni Marion na ngayon ay isa nang Viva artist.

Paano kung intrigahin siya na baka tomboy siguro iyan kaya walang lovelife, ano ang magi­ging reaksiyon niya?
Nakangiting saad niya, “Ganoon? Okay lang. Malakas naman po ‘yung pride ngayon eh. Uso naman ngayon ‘yung LGBT, hahaha!” Nakatawang wika pa niya.

Dagdag pa ni Marion, “May mga friends din naman po ako na part ng LGBT community. I’m straight but if I can’t control what people think, okay lang din. No big deal po,” nakangiting reaksiyon pa ni Marion.