Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maris ayaw nang pakawalan si Rico

0 83

NI: ARCHIE LIAO

Sa episode na “One Hapon with Rico” sa vlog ni Maris Racal, ibinahagi niya ang love story nila ng singer-songwriter na si Rico Blanco.

Naisipan nilang sa vicinity ng UP sila mamasyal at pag-usapan ang kanilang unang pagtatagpo.

Bumili muna sila ng street foods tulad ng isaw at barbecue .Sa ilalim ng isang puno sa shed sila kumain.

Ayon kay Maris, una raw silang nag-meet ng dating Rivermaya frontman dahil sa mga faney ni Maris.

Itinag daw kasi ng faney ng Kapamilya actress si Rico noong panahong naghahanap ito ng makaka-collab.

Hindi raw naman nakasagot si Rico dahil kapuwa naman sila busy sa kanilang mga commitment noon.

Noong mabasa raw ito ni Rico sa tweet ay doon na ito nagkomento na game siya for a music collaboration with Maris.

Sey ng aktres, ito rin daw iyong panahong magulo ang isip niya dahil galing siya sa Japan pagkatapos na mag-reflect sa kanyang buhay.

Doon na raw nagsimula ang friendship nilang dalawa.

Noon nga raw araw na kailangang i-meet ni Maris si Rico sa studio, kinabahan daw siya dahil sa totoo lang ay sobrang crush niya ang singer at occasional actor.

Hindi rin daw niya akalain na sa una nilang pagsasama ay yayabong pa ang pakikipagtrabaho nila sa isa’t-isa.

Marami rin daw silang pinagkakasunduan dahil pareho silang musically inclined.

May ginawa rin daw si Maris na komposisyon na ang titulo ay “Di Pakakawalan” na handog niya kay Rico.

Nag-suggest daw si Rico na baguhin ang ilang linya sa lyrics nito pero hindi siya pumayag dahil unknown to her boyfie, ito pala ay para sa nobyo at istorya nilang dalawa.

Ito rin daw iyong unang pagkakataong nag-away sila dahil sa miscommunication na nahilot lamang nang mapaliwanagan si Rico.

First date naman nila ay naganap sa Tate.

Nasa Las Vegas daw si Maris noon for a five-day vacation samantalang si Rico ay nasa Miami dahil nagre-research ito tungkol sa mga hostel.Interesado raw ito sa ganoong klase ng negosyo.

Sobrang unplanned daw ang lahat nang magkayayaan sila sa Arizona kung saan pinag-drive pa sila ng friends.

Doon daw, nag-road trip sila at na-enjoy pa nila ang pagkuha ng videos at photos sa mga lugar na pinuntahan nila.

Aminado naman si Maris na nahirapan silang isapubliko o ilantad ang kanilang relasyon ni Rico noon.

Ayaw raw kasi nilang makita noon ng mga tao na magkasama kaya takot silang ilantad ang pagiging opisyal nilang magdyowa.

Ito raw din iyong panahong hindi pa siya sure kay Rico.

Sa kung sino naman ang unang nag-I love you sa kanilang dalawa, inamin naman ni Rico na siya.

Pero, ayon naman kay Maris, noong daw nagtapat na sa kanya ang singer ay hindi na niya nagawang magpakipot dito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.