Abante Tonite Interactive

Maris, Iñigo nagkasawaan

644

By Archie Liao

Marami ang naghihinayang lalo na ang mga MarNigo fan sa naging desisyon nina Maris Racal at Iñigo Pascual na magkahiwalay muna at magpokus sa kani-kanilang career.

Nilinaw kasi ni Maris na never daw naman na naging opisyal na mag-on sila ni Iñigo.

Sa ngayon, ayaw na muna nilang maging visible as a love team dahil may sari-sarili silang gusto sa kanilang karera. Ito muna ang kanilang pagtutuunan.

Sey pa niya, ayaw raw niyang paasahin ang mga tao sa kanilang paligid lalo na ‘yung mga sumusuporta sa kanila na hindi sila mapaghihiwalay.

Dahil sa emote na ito ni Maris, samu’t sari ang espekulasyon na lumutang.

May mga netizen na nagsasabing nagkasawaan ang dalawa kaya nawalan na ng interes sa isa’t isa.

May lumutang naman mula sa isang mariaponce na ganito: “It’s obvious naman sa season7 ng popsss, very expressive eyes mo, when you look at him there was pain in your eyes! Sinaktan ka, nasaktan ka, you forgave & moved on! But still you chose to not say anything and protect him at all cost kahit ikaw na maging masama….swerte ni boi!”

Sey naman ng isang nagpakilalang tarapo: “Remember Mars yung Mga SOLID MARIESTELLER lang ang totoong magmamahal sayo at susuportahan ka kahit ano pa.. Kahit sino pa ang ipartner sayo.. solo kaman.. Solid yan d matitibag di magtitwit ng mga shadytweets mga pansariling kapakanan lang! mahal k Naming SOLID puro at Totoo.”

Hirit naman ng isa pang follower: “You deserve someone consistent. Hindi yung nandyan lang pag convenient. Will pray for someone who deserves your love. Focus muna sa career, love.”

Dahil sa mga mensahang ito, hindi tuloy mamatay-matay ang tsikang may kinalaman umano ang Korean host na si Sunny Kim o VJ Sunny na itinuturong third party sa kanilang hiwalayan blues.