Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maris, Iñigo walang elya factor

0 83

Naging kontrobersyal noon ang paghihiwalay ng love team nina Maris Racal at Iñigo Pascual.

Katunayan, marami nga ang nanghinayang sa kanilang tandem,lalo na ang Marnigo fans, Buong akala nila ay magkakatuluyan sa buhay ang mga idol nila

Pagkatapos ng “I’m Ellenya L.,” muling magkasama ang dalawa sa isang Star Cinema movie.

Ayon kay Maris, hindi na raw siya nahirapan sa muling pakikipagtrabaho kay Iñigo dahil nanatili raw naman silang magkaibigan kahit papaano.

SM food to go Banner Ad

Katunayan, nakatulong din daw ang kanilang karanasan para mag-mature raw sila at lumawak ang perspektibo sa buhay.

Hirit pa niya,naka-move on na rin daw siya sa nangyaring pagkakabuwag ng kanilang loveteam. Walang halong elya factot na ang kanilang samahan.

“In person, kapag nagka-work, doon lang kami
nag-uusap. But kapag wala nang work, hindi na nag-uusap, hindi na nagte-text, wala na at all,” aniya.

Happy naman si Maris dahil kahit may pandemya ay hataw ang kanyang career.

Bukod kasi sa kanyang Star Cinema movie ay meron siyang TV series at noontime variety show sa Singko. ( Archie Liao)

Leave A Reply

Your email address will not be published.