Abante Tonite Interactive

Maris Racal buking sa ‘date’ kay Iñigo Pascual

By
6,372

NADULAS si Maris Racal sa interview sa kanya sa Magandang Buhay nang sabihin niyang nagde-date na sila ni Iñigo Pascual. Nagsimula ang usapan nung tanungin ng momshies na sina Karla Estrada, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal kung bakit mahirap para sa kabataan ngayong umamin tungkol sa kanilang lovelife.

Para kay Maris, mahirap daw magsabi sa kanyang magulang dahil una ay makaluma ang mga ito at ikalawa, nakatira sila sa Tagum, Davao del Norte kaya minsan ay mas nauuna pa raw nito malaman ang mga balita online.

“Tatawag ‘yan si Mama, sasabihin niya ‘Maris, lumabas pala kayo ni ano (Iñigo), nabasa ko. Ano ‘yang exclusively talking-talking na ganoon?’ Kasi ‘yung mga ganoon, parang nalalaman lang nila ‘yang mga ‘yan online,” sabi ni Maris.

Nilinaw naman ni Maris sa kanyang magulang ang estado ng kanilang relasyon ni Iñigo.

“Sagot ko kay Mama, ‘Opo, nag-date kami, kumain kami at nanood,” pag-amin ni Maris na ikinatili ng manonood sa show.

Sa katunayan raw, nakilala na rin pala ng kanyang ina si Iñigo.

Kasalukuyan ngang napapanood si Maris sa Hanggang Saan bilang si Nessa, isang tapat na kaibigan nina Paco (Arjo Atayde) at Domeng (Yves Flores) habang kasama naman sa second season ng G Diaries si Iñigo.