Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maris, Rico ‘live in’ na

0 348

NI: ARCHIE LIAO

Pinag-uusapan ng mga mahadera ang naging sagot ni Maris Racal nang sumalang siya sa Pipilahan o Di Pipilahan challenge sa kanyang vlog.

Kasama niyang sumali sa nasabing challenge ang mga kaibigang sina Kyu Quijano at Jai Agpangan.

Para sa kanila, masyado nang cliché ang dyodyowain o trotropahin challenge kaya raw pinalitan nila ito ng pipilahan o di pipilahan na halos pareho lang ang ibig sabihin.

Ayon kay Maris, di niya pipilahan sina Zaijan Jaranilla,Piolo Pascual, Albie Casino, Robi Domingo, Ian Veneracion, Carlo Aquino, Joshua Garcia at Direk Laurenti Dyogi.

Sa kaso naman nina Donny Pangilinan, McCoy de Leon at Ronnie Alonte, di rin daw niya bet na pilahan o dyowain ang mga ito.

Dagdag pa niya, ipauubaya na lang daw niya ang tatlo bilang respeto sa kanilang respective partners na sina Belle Mariano, Elisse Joson at Loisa Andalio.

Sa mga hombre, bet niyang pilahan sina Zanjoe Marudo,Jairus Aquino at Vice Ganda.

SM food to go Banner Ad

Kung naging lalake rin daw siya, type niyang pilahan o dyowain sina Sue Ramirez, Kathryn Bernardo, Liza Soberano, Janella Salvador, Anne Curtis at Julia Barretto.

Bet daw niyang pilahan ang mga K-pop stars na sina Irene ng Red Velvet at Jennie ng Blackpink.

Nang mabanggit naman ang pangalan ng South Korean singer-songwriter na si IU, sure na sure raw niyang pipilahan ito.
Pagbibiro pa niya, kaya raw niya itong ipagpalit sa boyfriend niyang si Rico Blanco.

Sa dakong huli, humingi naman ng paumanhin si Maris sa kanyang pagbibiro sa dyowa.

Sey niya, kahit sino man daw ang piliin niya, sa piling pa rin daw naman ng dating bokalista ng Rivermaya siya umuuwi.
Katunayan, may kapilyuhan pa niyang sinabing in-order na raw niya ito at ite-take out pa.

Dahil sa pahayag na ito ng Kapamilya actress, nagkaroon ng espekulasyon ang mga Marites na nagli-live umano ang magdyowa.

True kaya ito?

Leave A Reply

Your email address will not be published.