Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maris, Rico nagkakalabuan

0 187

Ni: ARCHIE LIAO

Sa Twitter account ni ni Maris Racal, hindi niya napigilan ang mag-emote sa kanyang cryptic post.

Sey niya: “Kaya ko pa ba”.

Dahil sa kanyang hugot, ilan namang mahaderang netizens ang nagpalagay na tila may pinagdaraanan ang aktres.

May nangi-intrigang nagkakalabuan na raw sila ng boyfriend nitong si Rico Blanco na frontman ng Rivermaya.

Dahil daw dito, magiging malamig ang Pasko ni Maris.

SM food to go Banner Ad

Pagtatanggol naman ng iba, hindi raw tungkol sa lovelife ang ini-emote ni Maris dahil may kinalaman daw ito sa kanyang trabaho.

Sumusuko raw ang katawang lupa nito dahil sa sunod-sunod na proyektong nilalagare.

Tatlo kasi ang serye niyang ginagawa kaya siya na maituturing na bagong lagare queen.

Bongga naman kasi si Maris dahil kahit magtatapos na ang taon ay doon nagdagsaan ang offers sa kanya.

Tatlong serye ang ginagawa niya: isang untitled project kung saan kasama niya sina Kit Thompson at Adrian Lindayag, isang raunchy comedy kung saan ginagampanan niya ang papel ng isang batang TikTok sex guru at isang iWant TFC series na first time niyang makakasama ang boyfie na si Rico Blanco.

Leave A Reply

Your email address will not be published.