Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maris, Rico umaariba ang romansa

0 534

Understable kung bakit ilang oras namayagpag sa Twitter ang first names nina Maris Racal at Rico Blanco. Kasi nga, they are in a relationship at ang drama niya sa Instagram na “age is just a number” emote sa isang larawan eh ang biggest bwelta niya sa lahat ng mga taong ginagawang malaking bagay ang age gap nila ni Blanco.

Ang modern day poet at rocker kasi ay 48 at si Racal ay 23 kaya yung iba nagbibiro na hassle, lalo na sa parentals ni Maris kung kaidaran lang nila si Blanco or slightly older lang ang mga ito.

Isa pa, hindi “traditionally” guapo si Rico at kung ikukumpara nga naman ito sa last known showbiz dyowa ni Maris na si Inigo Pascual, the difference in terms of kaguapuhan eh crystal.

Related Posts

Iba rin ang entitlement ng bashers at haters, huh! Close ba kayo sa mga magulang ni Racal at parang alam na alam niyong naalibadbaran sila sa pangyayari?

At pang Ms. Universe ba ang mga alindog at rikit niyo, or pang superstar male super model ang inyong kisig at tindig kaya nanghihinayang kayo kay Maris? Ano ba ang hanash na ‘yan na mas marami pa namang guapo diyan, bakit si Blanco?

Eh, bakit hindi nga si Blanco? Experience has made him rich kaya siya ang nagpatibok sa puso ni Maris. Hindi ba’t blooming at blossoming ang dalaga ngayon? Mga patotoo ito na Blanco is a wonderful influence on her.

Tama na ang poot at inggit. Let us celebrate the romansa na pinagsasaluhan ngayon nina Maris Racal at Rico Blanco. Love is all that matters, hindi ba naman?

Leave A Reply

Your email address will not be published.