Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maris, Sanya ‘di nagpakabog kina Nora, Ipe

0 353

In fair Verona kina Maris Racal at Sanya Lopez, wagi sa acting department ang dalawang binibini na kasama sa “Isa Pang Bahaghari.”

Si Racal ang gumanap na batang Iluminada, nu’ng dalaga pa ito na ang bet na bet pangasin ay matatamis na lansones. Si Lopez naman ang bunsong anak nina Nora Aunor at Phillip Salvador na tatay Dom ang pangalan.

Mismong galing sa seasoned at award winning actor na si Salvador ang paghanga at papuri niya sa young actresses na kasama nila sa pelikula.

Si Maris para sa diva that you love ang biggest revelation, Maganda at mapanghalina ang presensya niya on screen at kung sino man ang casting director sa pelikula, dapat palakpakan dahil believable na when she matures, eh naging si Aunor na nga ang naging Lumen.

Si Lopez naman kasi, nung kahit paano eh sinisilip-silip ko ang “Encantandia” kita mo talagang may alam ito sa pag-arte kaya hindi na ako nagtaka na keri nitong makipagsabayan sa mga buhay na alamat na tulad nina Ate Guy at Kuya Ipe.

Bet na bet ko ang emote ni Sanya dun sa sustento usapan nila ni Mamang Lumen at yung finally nag-give in na rin siya sa nilalambing ni Papang Dom, na siya ay mapatawad.

Siguradong maraming paiiyakin at pag-iisipin ang “Isa Pang Bahaghari.” May kaunting kerengkengan, maraming haplos sa puso at higit sa lahat, pinakita nito na ang mga tunay na nagmamahalan o nagmamahal, inilalaban at pinagtratrabuhan ang kanilang mga relasyon.

At sa mga baklang cynical na dahil ilang beses na pinaluha ng kanilang mahal ay hindi na naniniwala sa romansa at laging ang pakiwari ay gagamitin lamang sila, si Michael de Mesa, bilang Rey, tiyak babaguhin ang inyong pananaw sa pagmamahal.

Congrats kina Maris Racal at Sanya Lopez dahil kumalembang ang pagka-aktres niyo. Mahusay ang paggabay ni direk Joel Lamangan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

At hindi lang ang dalawang dilag na ito ang mahusay sa pelikula, naku pag inyo itong pinanood, malalaman niyo kung sino pa sa cast ang siguradong hindi niyo malilimutan.

Bra ni Jean may tala

Magiging fantaserye na pala sa telebisyon ang “Darna’ na si Jane de Leon pa rin ang magiging bida.

Hmmmm….. sa panahong may pandemya at veerus, how do we make the mythical tale of Darna more relevant to the times?

Mahirap kasing gawing present tense ang mga kaganapan sa paparating na fantaserye kasi nga lalabas na hindi makakatotohan kung iiwasan ang mga binanggit, pati na rin ang pagputok ng mga bulkan at walang katapusang pagbaha na ating dinaranas sa tuwing dumarating ang mga bagyo.

Dapat ba nilang ibalik si Darna at si Jane sa 1980s kaso pag ginawa nila iyon sasabihin na gaya-gaya, puto maya sa “Wonder Woman 1984.”

Mas panalo kaya kung gawin na lang nilang fantaserye kung paano nilikha ni the great, late Mars Ravelo kung paano niya binuhay ang iconic character?

Wala pa yatang nagpapakita nun di ba? Sino ba ang divine inspiration ni Mang Mars kaya niya ginawa si Darna? At ang gusto ko talagang masagot, bakit ang mga bra ni Darna, may tala at ang saplot niyang pang-ibaba, bakit may tabing na kurtina? Masasagot na kaya ito sa serye ni Jean?

Magandang ring mapanood kung bakit nilikha ni Ginoong Ravelo si Valentina, babaing Impakta, babaing Lawin at iba pang kontrabida ni Darna, hindi ba naman?

Mahusay naman ang creatives ng gagawa ng bagong kwento ni Darna at tiyak na gagalingan nila ito, at maging si Jane de Leon, tiyak papatunayan sa sarili niya na karapat-dapat siya sa title role na ang mga huling nagsiganap ay sina Angel Locsin at Marian Rivera.

Kaya good luck kay Jane at sa buong team Darna. Wala namang duda na sa muli niyang paglipad, marami pa ring abangers at mga magiging bagong tagahanga.

Leave A Reply

Your email address will not be published.