Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marissa inismol; tinawag na KSP

0 60

NI: ROLDAN CASTRO

Naranasan ni Marissa del Mar na libakin sa showbiz pero hindi siya sumuko. Vindicated naman siya dahil hindi siya nabura sa industriya at umasenso sa buhay.

Isa sa pangmamaliit sa kanya noong araw ay tinawag siyang KSP

“I’m a good dancer. I really love dancing. So every time na merong event, ako ‘yung nahuhuling umupo.Kasi, gusto kong magsayaw, gusto kong pawisan.Tapos, sasabihin nila, ‘Naku, grabe naman ‘to! KSP, papansin-papansin! Ganyan, kung ano-ano ang sinasabi,” kuwento niya sa kanyang presscon.

Keber naman niya kung tawagin siya noon na trying hard o nagpapansin. Ang importante ay nagtatrabaho siya at walang tinatapakang tao.

Dumaan din daw siya sa okray na director nu’ng baguhan pa lang. Nagpaalam siya kung puwedeng hindi na siya magsuot ng bathing suit dahil kagagaling lang niya sa Santa Isabel College. Sobrang banal pa siya. Minura raw siya at sinabihang maarte. Sumagot naman siya na hindi siya nagi-inarte, hindi lang siya sanay.

Si Marissa ay nilunsad sa pelikulang ‘Mapaglaro’. Nakasama rin siya sa mga action movies nina Lito Lapid, Ramon Revilla,Rey Malonzo, Robin Aristorenas, Bembol Roco, Rhene Imperial atbp.

Naging host din siya ng mga TV shows gaya ng Buhay OFW ng TV5, World Class Kababayan sa GMA News TV, Up Close and Personal with Marissa del Mar sa IBC 13, Buhay OFW sa AksyonTV 41.

Noon pa man ay may adbokasya at malasakit na si Marissa sa mga OFW. At para lalong lumawak ang kanyang pagtulong ay naging first nominee siya ng OFW (One Filipinos Worldwide) partylist

“As I always say, we may be knew in politics but we are already veterans when it comes to public service. Despite our hesitation, it was the clamor of the people who made us realize how much more we can help if we represent these sectors in Congress. We can definitely make a difference,” deklara niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.