Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Marites’ binoga ni insan

0 95

Dahil sa pagiging `Marites’, todas ang isang babae matapos barilin ng sariling pinsan nitong Sabado sa Iloilo City.

Kinilala ng pulisya ang biktimang Joyce Ferrer, 26. Masusi namang pinaghahanap ang suspek na pinsan nito na si Mel Ferrer, 42, kapwa taga-Barangay Merced, Banate, Iloilo.

Sa report ng pulisya, ayon na rin kay Police Master Sergeant Joelito Babayo III, nangyari ang krimen alas-8:00 ng umaga.

Bago ito, gabi pa lamang ng Abril 29 ay nagtalo na ang magpinsan dahil sa kung ano-anong tsismis na kumalat sa kanilang lugar.

Nang muling magkasalubong ang magpinsan kinaumagahan ay nagtalo uli ang mga ito at bigla na lang umanong bumunot ng baril ang suspek.

Tumakbo ang biktima pero nang madapa ay malapitan nang binaril sa dibdib ng suspek gamit ang .45 na baril sabay takas.

Mabilis na itinakboI ang biktima sa ospital pero hindi na ito umabot ng buhay.

Leave A Reply

Your email address will not be published.