Abante Tonite Interactive

Marjorie kay Claudine: Hindi sinasapak ang 82-anyos!

0 186

Bumuwelta!

Ni Vinia Vivar

Just when we thought na tahimik na ang Barretto sisters, biglang may bagong rebelasyon na naman ang isa sa kanila.

Naka-post sa Instagram ni Claudine Barretto ang video na kuha mula sa ospital kung saan tila naka-confine pa ang kanilang amang si Miguel Barretto bago ito yumao.

Maririnig sa video si Marjorie saying “I’m leaving na. Super drama to death si ano, si Inday.”

May sumagot ng “why, what happened?”

At sumagot naman si Marjorie ng “masyado siyang dramatic, baka masapak ko.”

As we all know, Inday ang tawag sa ina nina Marjorie, Gretchen and Claudine. At sa caption ng huli ay kinumpirma niyang ang nanay nga nila ang tinutukoy ng ate Marj niyang sasapakin nito.

Ayon pa sa caption ni Claudine, madalas daw talagang gawin ito ni Marjorie sa kanilang ina.

“My Heart breaks for my mom. Although this didn’t surprise me bcoz she does this all the time.earlier this year she was going to hurt my mom physically & in so many more times.now that my Dad is not around i promise on my father’s grave that this will never happen again,” ang simula ng caption ni Claudine.

Ini-reveal din niyang ang video ay kuha noong time na nagkaroon ng diskusyon sina Marjorie at mommy nila tungkol sa P500,000 na ibinigay ni Julia Barretto bilang contribution sa hospital bill ng kanilang ama.

“This was the argument my mom & Marjorie had regarding julias 500k hospital contribution ( in exchange of my parents subic home )#gooddaughter.

“Here’s a fact ) Marjorie came out of the icu where my dad was in a critical condition. Only 2 visitors at a time can enter the ICU ( it was only mom inday & Marjorie inside the icu She then says , super drama si inday baka MASAPAK KO ( who then can she refer to other than my mom inday.To the one who sent this video. Thank u So much,” pahayag pa ni Claudine sa caption.

Sumagot naman si Marjorie sa Pep.ph at itinanggi niyang ang mommy niya ang tinutukoy niyang Inday. Mom or Mommy raw ang tawag niya sa kanyang ina at hindi raw sinasapak ang 82-year-old.

Pero ayaw nang sabihin ni Marjorie kung sino ang Inday na tinutukoy niya.