Abante Tonite Interactive

Marjun, Laklak, Leo, Ronette & Charlie sa 85K Fastest Win

396

Garantisado ang P85,000 prizes sa Las Piñas Coliseum kaugnay ng “85 K Fastest Win One-Cock Ulutan” nga­yong Mayo 11.

Sigurado rito ang maraming entries dahil nagsama-sama ang mga host na sina Marjun, Tony Laklak, Leo, Ronette at Charlie.

May entry fee na P1,100 habang P5,500 ang minimum bet.

Kasado rin sa LPC ang “Bunso 3-Cock Derby” sa May 29 na may 40 entries pataas. Si businesswoman Budjit Aguilar ang tatayong host rito na may entry fee na P4,400 at P250,000 cash prizes.

Sa May 28 na ang submission ng entries na dapat ay 1.8 kgs. hanggang 2.4 kgs ang bawat manok, mula alas-10 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi. (Enjel Manato)