Abante Tonite Interactive

Mark amnesia sa viral nude video

By
3,814

Hindi na takot makipag-usap sa press si Mark Bautista pagkatapos umingay ang sinulat niyang libro at pag-amin sa kanyang gender. Hindi na rin siya mukhang stress.

Buong ningning na siyang nakipagtsikahan sa presscon ng “Eto Na! Musical nAPO!” na gaganapin sa August, 2018 sa Maybank Performing Arts Theater sa Bonifacio Global City. Isa si Mark sa cast na musical play na ito.

Ayon sa singer-actor, nagbalak siyang tumira na lang sa States. Mag-audition nang mag-audition sa mga teatro, maghanap ng roles at kung ano ang puwede niyang gawin bilang artist pero biglang dumating ang “Eto Na! Musical nAPO!” . Bukod dito, magkakaroon na rin siya ng concert para sa kanyang 15th anniversary sa showbiz sa tulong ng Viva.

“‘Yan ‘yung sinasabi ko na may mga bagay na hindi mo pinaplano pero ‘yun ang ibinibigay sa ‘yo at kailangan mong tanggapin dahil ‘yung plano mo, hindi pa puwede,” deklara niya.

Sinabi rin niya na pagkatapos niyang mag-out ay may nagyaya na sa kanya na sumali sa gay parade .Idiniin niya na wala pa raw sa isip niya na gawin ‘yun. Pero nandoon daw ang support niya sa LGBTQ.

Tinanong namin kung kaya ba niyang gawin ang mga role na ginagawa ni Paolo Ballesteros.

Nag-gay role na raw siya dati sa MMK kaya carry naman ‘yun. Gusto rin niyang gumawa ng indie film na pang-compete sa abroad kahit may kinalaman ito sa third sex.

Ready na ba siya sa kissing scene sa kapwa lalaki?

“Depende sa istorya..kung kailangan yeah! Kung maghubad ka o something, depende rin,eh. Kung pang-compete ito, acting piece talaga why not,” pakli niya.

Kung si Direk Brillante Mendoza ang director niya, willing din siyang makipag-love scene sa kapwa aktor.

Kinuha rin namin ang reaksyon ni Mark sa viral nude video niya, siya ba ‘yun?

“Actually gusto kong makita ‘yung original ..hindi ko alam kung saan nila nakuha ‘yung video na ‘yun.

“Kung makita ko man ‘yun at parang ako ‘yun, okey, aminin ko kung ako ‘yun,” sambit niya.

Wala ba siyang natatandaang naka- video siya na naka-nude?

“’Yun ang problema kasi nu’ng nasa States kasi kami,eh. And then may nagpakita sa akin ng screen shot, saan ba ito? Gusto kong balikan kung saan ko ba ginawa ito? Hindi ko maalala,” lahad pa ni Mark.

Hindi rin niya alam na-video siya na hindi aware. Basta hindi na raw niya ito pinapansin at ayaw na rin niyang pag-usapan.