Abante Tonite Interactive

Mark Amparo kampeon sa Metro

183

ALL-N

Binabati natin si Mark Amparo sa kanyang pagkapanalo sa Metro Walk to a Million na ginanap sa Metro Card Club sa Ortigas.

Nagbunga ang pagiging agresibo ni Amparo sa final table kung saan lima sa nakapasok ang kanyang sinibak.

Karaniwan na konserbatibo maglaro ang mga nakakapasok sa final table at nag-aabang lang na masipa isa-isa ang mga kalaban.

Pero hindi sinayang­ ni Amparo ang magagan­dang bigay na baraha sa kanya at siya na ang gumawa ng inisyatibo para mawala ang mga balakid sa daan tungo sa titulo at top prize na P535,000.

Nagsimulang uminit ang laro ni Amparo sa Day 2 kung saan umakyat siya sa ikaapat na puwesto sa chip count.

Pagpasok sa final table ay lalo pang gumanda ang bigay sa kanya at lalo ring na­ging agresibo ang kanyang laro.

Una niyang nasibak sa final table si Royly Oracion tangan ang hand na A-J na naging trips A.

Sumunod niyang naging biktima ang Day 2 overnight leader na si Joseph Sia gamit ang dehadong K-10 laban sa A-Q ng huli.

Pero 10-K-A-5-6 ang lumabas sa lamesa kaya tinalo ng two pairs ni Amparo ang top pair na hawak ni Sia.

Sumunod na sinibak ni Amparo sa final table sina Day 1A leader Jimmie Javier at Reiner Magbutay na nagtapos na pangatlo.

Ang ikalima at hu­ling biktima niya siyem­pre ay ang kalaban niya sa heads up na si Bonifacio Mondalo.

Nagkasya si Mondalo sa second prize na P294,064 habang si Magbutay ay nakapagbulsa naman ng P180,000.

Sa susunod na buwan ay may malaking event ulit sa Metro – ang Batang Metro Poker Challenge.

Abangan po natin ‘yan.