Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mark ayaw makisawsaw kina Piolo, BB

0 178

NI: ARCHIE LIAO

Naging usap-usapan noon ang confessions ni Mark Bautista sa kanyang libro tungkol sa bromance sa isang sikat na actor.

Pero sa kabila ng kanyang pagbubunyag, nanatiling tikom ang bibig ng balladeer sa tunay na katauhan ng ‘intimate guy friend’ na inilalarawan niya sa kanyang autobiography.

Sa naging pasabog ni BB Gandanghari sa kanyang Youtube channel na nadawit ang pangalan ni Piolo, nagbigay ng kanyang reaksyon si Mark.

Ani Mark, ayaw daw niyang makisawsaw sa isyu ng dalawa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Naniniwala kasi siyang may mga bagay na hindi dapat iniungkat pa lalo na’t bahagi na ito ng nakalipas.

Sey pa niya, maaaring ang payanig daw ni BB ay dala lamang ng epekto ng nakakaburyong na lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.

Hirit pa niya, dahil walang gaanong pinagkakaabalahan ang mga tao dahil sa lockdown, nama-magnify lang daw ang lahat sa social media.

Sa tinagal-tagal daw niya sa showbiz, kung meron man daw siyang natutunan, ito ay kung paano magiging matalino sa pagpili ng sariling laban.

Maging sa desisyon niyang mag-out noon, happy daw siya at walang pagsisisi lalo pa’t tanggap na ng tao ang kanyang sexual orientation.

Leave A Reply

Your email address will not be published.